Sunday, June 23, 2013

Mga atleta ng lalawigan ng Rizal, pinarangalan

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Hunyo 24 (PIA) -- Pinarangalan ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Gob. at Antipolo City Mayor-elect Jun Ynares ang mga atleta ng Rizal.

Ito ay dahil sa ibinigay nitong karangalan sa lalawigan dahil sa pambihirang abilidad sa palakasan sa nakaraang 2013 Southern Tagalog Collegiate Athletic Association (STCAA) at sa 2013 Palarong Pambansa na ginanap sa iba’t ibang sports venue sa bansa.

Kumuha ng may kabuuang 27 ginto, 7 pilak at 3 tanso mula sa mga individual at team sports discipline, na nagbigay din sa probinsya ng karangalan para tanghaling back to back Overall Champion sa STCAA.

Ang top 10 medalists na nagmula sa mga public at private elementary at secondary schools sa probinsya ay personal na binate at binigyan ng cash incentives ni Gob. Ynares. Sila ay sina Josefina Baloboy (athletics), Mark Andrew Orcena (arnis), Mary Allin Aldeguer (arnis), Jubaille Reyes (rhythmic gymnastics) Mica Cabadu (athletics), Kim Cahilig (women’s artistic gymnastics), Flodeliza Alferez (rhythmic gymnastics), Twinkle Siena Napoles (rhythmic gymnastics), Jessa Mae Jaromay (athletics) at Jose Mari Sebastian Arcilla (swimming) ang may pinakamaraming nakuhang medalya sa mga palaro.

Ang mga atleta ay kinilala sa ginanap na pagdiriwang ng ika-112 Araw ng Lalawigan ng Rizal. Ang buong delegasyon ng probinsya ay kinilala din ng Sangguniang Panlalawigan sa ginawa nitong resolution na kumikilala sa pambihirang sports prowess, decorum at ang pagpapakita ng tunay na RizaleƱo spirit.

Samantala, 12 differently-abled athletes mula sa lalawigan ang nakakuha din ng 20 medalya sa iba’t ibang palakasan sa katatapos lamang na 2nd Philippine Association Para National Games for Differently-Abled na ginanap sa Laguna sports complex kung saan may 500 atleta ang nagpakita ng kanilang mga kakayahan.

Bilang pagkilala sa karangalang ibinigay ng mga para athletes sa probinsya, binigyang parangal din ang mga atleta.

“Tunay kaming nagpapasalamat sa karangalang ibinigay ng mga atleta sa ating probinsya. Makasisiguro kayong ang ating pamahalaang lalawigan ay patuloy na susuporta sa ating mga atleta sa mga darating pang paligsahan sa palakasan,” pahayag ni Gob. Ynares. (PIO-Rizal)

No comments:

Post a Comment