Sunday, June 16, 2013

Antipolo PESO job fair muling dinagsa

LUNSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Hunyo 10 -- Tinangkilik ng mga naghahanap ng trabaho sa lungsod ng Antipolo ang job fair ng Antipolo Public Employment Service Office (PESO) na ginanap sa Victory Park and Shop Multi-Purpose Covered Court noong Hunyo 1.

Pinangunahan ng City Government sa pamamagitan ng PESO at ilang business establishment at employers sa lungsod ng Antipolo.

Ayon kay Antipolo PESO Head Engineer Roger Atim muling bumuhos ang mga aplikante para sa kanilang job fair sa pagbubukas ng buwan ng Hunyo.

“Marami na naman tayong natulungang mga kababayan para sa ‘Hanap Trabaho para sa Antipolenyo 2013’. Nagpapasalamat tayo sa mga employers at business establishment na nakibahagi sa ating jobs fair. Nakakatuwa dahil marami sa ating mga kababayan ang nabigyan ng trabaho on-the-spot,” sabi ni Atim.

Halos 2,000 aplikante na nagtungo sa job fair ang na-interview ng mga employers ayon sa tala ng PESO. Mahigit 1,000 sa mga ito ay nag qualify sa kani-kanilang inaplayang trabaho at 106 aplikante ang natanggap ng hired-on-the-spot (HOTS).

Nakibahagi ang halos 70 business establishment at kanilang mga empleyado kasama ang local at overseas employment agency sa naturang job fair kabilang ang SM group of companies at ibang employers sa lungsod ng Antipolo. Dumalo rin ang ilang kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE) Rizal sa pangunguna ni Melissa Montalbo. (Antipolo PIO/GG-PIA4A)

No comments:

Post a Comment